Unions say NO to Child Labor » work permi

15-18 anyos puwede nang magtrabaho
Doris Franche

Pilipino Star Ngayon

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinapayagan nang magtrabaho ang mga kabataang nasa edad 15 hanggang 18 taon, kahit pa wala silang work certificates at permits mula sa departamento.

Ang paglilinaw ay gi­nawa ng DOLE bilang tugon sa mga idinudulog sa kanilang katanungan ng mga employer at mga kabataan hinggil sa work certificates ng mga nasa pagitan ng 15-18 anyos na nais nang makapagtra­baho upang makatulong sa kani-kanilang pamilya.

Sa ipinalabas na Department Advisory 01-08 ng DOLE, nilinaw nito na hindi inoobliga sa ilalim ng batas ang pagkuha ng DOLE certificates ng mga nasabing kabataan bago sila makapagtrabaho.

Ayon kay acting Labor Secretary Arturo Sodusta, dahil dito, hindi dapat na ipagkait ng mga employer ang oportunidad sa mga kabataang nais na magtra­baho nang dahil lamang sa wala silang bitbit na DOLE work permit.

Pinayuhan rin naman ni Sodusta ang mga kaba­taang nasa nabanggit na edad na kumuha ng kopya ng DOLE advisory number 01-08 na maaari nilang gamitin at iprisinta sa mga kompanya na kanilang pinag-aaplayan ng tra­baho.

Ayon pa kay Sodusta, ang mga kabataang nasa edad 15 hanggang 18 ay pinapayagan na ng DOLE na makapagtrabaho bas­ta’t masusunod ang mga kondisyon na isinasaad sa ilalim ng RA 9231 o An Act Providing for the Elimination of the Works Forms of Child Labor and Affording Special Protection for the Working Child) at ang isinasaad ng Labor Code.

Sa ilalim aniya ng RA 9231, walang kabataan ang maaaring pagtraba­huhin sa pagitan ng 10 ng gabi at 6 ng umaga.

Kailangan din umanong mahigpit na sundin ang walong oras lamang na pagtatrabaho sa isang araw para sa mga kaba­taan at hindi lalagpas ng 40 oras kada linggo.

Alinsunod pa rin umano sa nasabing batas, kina­kailangang kumuha ng work permit ang mga kaba­taan na mas bata sa 15 taong gulang na nais mag­trabaho, na pinapayagan sa exceptional situations.